Showing posts with label star. Show all posts
Showing posts with label star. Show all posts

Thursday, February 15, 2007

At Smith and Wollensky on Valentines!

teehee =p

...kumusta and valentines ninyo?
Kami d2 ok lang naman. Wla akong work nitong araw na 'to and si JJ naman he just works from home. Super lamig sa labas, nginig at ngatal sa super lamig, kung pwede lang sana home nlang kami and e-skip nlang ang mamahaling dinner sa Smith and Wollensky pero nkabook na kami few weeks ago. 8PM and dinner namin and kala namin di passable ang daan pero malinis naman pala. I tell you though, eto na ang last valentine nmin sa resto na 'to. Next time ibang place naman.
So how was the food? Umorder naman ako ng kakaiba this time. Yong Indian Shrimp yata yon, di naman ako masyadong nasarapan, mas katakamtakam yong inorder ko last year na tuna, super akong na inlab dun. Eh si JJ ko as usual baka pa rin ang pinakatay at pinaluto nya! Super sarap daw eh, pero busog na busog kami at wla ng mapaglagyan ng dessert. So unlike last year di na kami umorder pa ng pampatamis. Obvious naman na di na nmin kailangan yon! Pero honestly, na miss ko tlaga and Creme' Brulee...ohh humirit pa! =)

Oh, di ba ang sarap ng ngiti nmin habang kumakain?



So ano naman ang gift ni fafa ko? Ai nako, and UPS tlaga at dinagdagan na naman ang pagka badshot nila sa amin. Di ba naman dniliver yong gift ko due to road problem daw! So kinaumagahan ko na natanggap ang gift ko. Bili ni JJ sa pajamagram.com! Isang PINK SEDUCATION CHEMISE. Ang ganda super napa wow ako nung binuksan ko ang box, very alluring at silky. Spaghetti sya at plunging ang neckline pati likod. Etong pattern ng delicate na bulaklak ay nakakadagdag ng pagka elegante ng tela. The best gift from JJ kaso parang di naman bagay sa akin...super sexy eh! Pero tin-ry ko masarap ang feeling pero hihintay pa yata ako ng spring or summer para maisuot ko lang 'to. Ang lamig kasi eh!

  • Idenilever sya na nsa loob nitong Keepsake Organza hatbox.
  • May kasamang Lavender sachet.
  • Do not disturb sign (na obviously di nagamit kc late nga naideliver!)
  • Saka, meron pang Personalized gift card.

Kung gusto mo naman namnamin ang tela niya, ay i-click mo lang itong picture sa tabi, seguradong masarap talaga sa pakiramdam at mahimbing ang tulog mo.

Ay oo nga pala, habang kinukunan ko ng picture itong aking natanggap ng gift sa aking mahal na asawa, ai nandun naman ang akong dalagita na si Star na obviously babae tlaga sya, kasi mahilig sya makialam pag meron akong gift na na re-received. Andun sya na sisinghot singhot at pipili-pili ng kung ano ang pwedeng para sa kanya....babae talaga si Star!