...kumusta and valentines ninyo?
So ano naman ang gift ni fafa ko? Ai nako, and UPS tlaga at dinagdagan na naman ang pagka badshot nila sa amin. Di ba naman dniliver yong gift ko due to road problem daw! So kinaumagahan ko na natanggap ang gift ko. Bili ni JJ sa pajamagram.com! Isang PINK SEDUCATION CHEMISE. Ang ganda super napa wow ako nung binuksan ko ang box, very alluring at silky. Spaghetti sya at plunging ang neckline pati likod. Etong pattern ng delicate na bulaklak ay nakakadagdag ng pagka elegante ng tela. The best gift from JJ kaso parang di naman bagay sa akin...super sexy eh! Pero tin-ry ko masarap ang feeling pero hihintay pa yata ako ng spring or summer para maisuot ko lang 'to. Ang lamig kasi eh!
- Idenilever sya na nsa loob nitong Keepsake Organza hatbox.
- May kasamang Lavender sachet.
- Do not disturb sign (na obviously di nagamit kc late nga naideliver!)
- Saka, meron pang Personalized gift card.
Kung gusto mo naman namnamin ang tela niya, ay i-click mo lang itong picture sa tabi, seguradong masarap talaga sa pakiramdam at mahimbing ang tulog mo.
Ay oo nga pala, habang kinukunan ko ng picture itong aking natanggap ng gift sa aking mahal na asawa, ai nandun naman ang akong dalagita na si Star na obviously babae tlaga sya, kasi mahilig sya makialam pag meron akong gift na na re-received. Andun sya na sisinghot singhot at pipili-pili ng kung ano ang pwedeng para sa kanya....babae talaga si Star!






